Saan Kaya Tayo Ngayon Nanahan At Sino Ang Ating Kasakasama? Juan 10 Juan 10:1-5 Magandang Balita Biblia 1“Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan ay magnanakaw at tulisan. 2 Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa . 3 Pinapapasok siya ng bantay, at pinapakinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. 4 Kapag nailabas na, siya'y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga ito sapagkat kilala nila ang kanyang tinig. 5 Hindi sila susunod sa iba, kundi tatakbong palayo, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba.” KULUNGAN NG MGA TUPA- presensiya at kalooban ng ating Dakilang Diyos AMA. BANTAY- Panginoong Hesus PINTUAN - (Juan 10:7 & 9) 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan. PASTOL - (Ju...
Devotional and Encouragement By JMO