Skip to main content

DEVOTIONAL: SARILI AY PALAYAIN, KATOTOHANAN AY TANGGAPIN

Ang pagsisisi ay palaging nasa huli, kaya nga ang mas maigi ay talasan ang isipan para sa katotohanan. Personal na magsisiyasat ng mabuti, puso at isipan ay buksan upang sa huli ay walang pagsisishan.

Kadalasan ang pundasyon ng mga pananampalataya ng tao ay base sa mga tradisyon na nakagisnan at makamundong nakasanayan. At ang mas masaklap ay, ito ay base sa isipan ng tao lamang. Sa kasalukukayan napakarami ng relihiyon na nagsusulputan at lahat tama at may padebate pang nalalaman.

Diba ganun rin tayo kapag may nagtatanong sa atin ano ba ang relihiyon natin, ay mas proud pa tayo na sasabihin ang pangalan nito kesa pangalan ni Cristo.

Napakadali rin sabihin na Kristiyano tayo ngunit pagdating sa katotohanan talaga bang tunay ang kung ano ang sinasabi mula sa ating mga bibig at mga labi? Ginagawa ba natin ang gawain ng isang tunay na Kristiyano o di kaya mas pinipili parin natin hanggang ngayon ang mga doktrina ng isang ordinaryong tao?

Ang katotohanan ay nagsasabi sa 1 Juan 2:6, ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesucristo.

Katulad noon sa panahon ng mga Judio na harap harapan nilang nakakausap ang Panginoong Jesus at napakatapang nila magsasabi na " nasa amin ang katotohanan dahil nagmula kami sa ankan ni Abraham, at ayaw nila tanggapin ang katuruan ni Jesus. 

Juan 8:42-45 Magandang Balita Biblia

42 Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. 43 Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong tanggapin ang itinuturo ko? 44 Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. 45 Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagkat katotohanan ang sinasabi ko sa inyo.

Napakasakit malaman ang katotohanan,ngunit ito ang pinakamahalaga. Ito ay dapat personal mong hanapin at tanggapin ng buong puso at higit sa lahat isasabuhay ng buong pagpapakumbaba at katapatan. 

At sa katulad ko ring isang SUBANEN, isang Tribo na ang pananampalataya ay base sa mga tradisyonal at rituwal na mula sa aming mga kanininunuan  kasama pa ang iba’t ibang mga pamahiing nakagisnan. Napakalayo po ito sa katotohanan na aking tinanggap mula sa mga salita at biyaya ng Diyos sa pangalan ni Jesus.

Kaya tanungin din natin ang mga sarili,sa buhay ba natin ngayon ano ba ang ating pinapahalagahan at ipinaglalaban?Ito ba ay ang mga tradisyonal na nakagisnan, mga makamundong nakasanayan  mula sa ating mga kaninunuan o ang katotohanan na dapat personal natin tanggapin na mula sa ating Panginoon Jesus na mga katuruan?

Heart Check: Ano ba ang kahihinatnan kung wala tayo sa katotohanan? Napakahalaga na pag-aralan natin ng peronal ang mga katuruan na ating tinanggap sa buhay, dahil kung may AMA NG KATOTOHAN, mag-ingat po tayo dahil sinabi mismo ng Panginoong Jesucristo na mayroon ding AMA NG KASINUNGALINGAN, ang diyablo. Kung ang katotohanan ay magbibigay ng lubos na kaligtasan, ang kasinungalingan naman ay kapahamakan o lubos na kamatayan ng ating mga kaluluwa.

Huwag sayangin ang mga pagkakataon,habang may panahon, mga mata ay imulat,puso at isipan ay buksan upang makapasok ang katotohan na magbibigay sa atin ng lubos na kalayaan, kasama ang lubos na kaligtasan at buhay na walang hanggan.


Memory Verse:Juan 8:31-32

“31 Kung patuloy kayong susunod sa aking turo, kayo nga'y tunay na mga alagad ko. 32 Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”- Panginoong Jesus


PRAYER: 

Ama naming banal at makapangyarihang Diyos na nasa langit, lumalapit ako sa Iyo sa pangalan ni Jesus, na Siyang Daan, Katotohanan, at Buhay. Panginoon, hinihiling ko na buksan Mo ang aking mga mata upang makita ang katotohanan na nakatago sa akin, at pagkalooban Mo ako ng kalinawan ng isip upang makita ang mga bagay ayon sa tunay na kalagayan nito. 

Ipinapanalangin ko na isiwalat Mo ang anumang kasinungalingan, panlilinlang, o pagkiling (bias) na nagpapalabo sa aking pagpapasya o humahadlang sa aking paglago personal na relasyon sa Iyo. Banal na Espiritu, inaanyayahan Kita na gabayan ako sa lahat ng katotohanan, gaya ng Iyong ipinangako sa Iyong Salita, at punuin Mo ako ng karunungan at pagtatangi (discernment) upang makilala ang Iyong tinig hiwalay sa kalituhan ng mundong ito. 

Tulungan Mo akong makilala si Jesus nang mas malalim at magtiwala na ang Kanyang katotohanan ay nagpapalaya sa akin. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na lumakad sa katotohanang iyon, kahit na ito ay mahirap, at tulungan Mo akong ihanay ang aking buhay sa Iyong banal na plano. 

Salamat,Ama, sa Iyong karunungan at pag-ibig. Sa pangalan ni Jesus na aming Panginoon at Tagapaglitas, Amen!



Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: PAGTAMO NG KARUNUNGANG MAKA-DIYOS

Many are the plans in a person’s heart,  but it is the Lord’s purpose that prevails.  Proverbs 19:21 Sa mga personal nating buhay ang dami nating alam na kung tayo ba ay umasta, parang bang tayo na ang pinakamagaling sa buong mundo. Parang lahat na ng karunungan ay nasa atin na, kaya minsan hindi naa uso sa atin ang makikinig sa ating kapwa kung maglalahad ito ng katotohanan. At sinasabi pa natin palagi, "basta't wala kang inaapakan tao okay na tayo. Ngunit kahit gaano man tayo kakampante sa ating mga sarili at kung gaano pa kataas ang karunungan ng isang ordinaryong tao at kung ito man ay karunungang makamundo ano ba  kasiguruhang mapapala natin dito?  Makikita natin sa buhay ni Jesuscristo na isang perpekto, kasama Niyang namumuhay ang Kanyang mga disipolo kung ano ang kaibahan nila sa  pagreact sa mga situwasyon dito sa mundo. At higist sa lahat sa mga plano ng Dakilang Diyos Ama. Kaya kung bilib ka lang sa iyong sariling kakayanan at karunungan , kailangan m...

DEVOTIONAL: IMPORTANCE OF REPENTANCE

Repentance is important because it allows for forgiveness, spiritual growth, and a renewed relationship with our Heavenly Father. It is an act of turning away from sin and walk toward a path of a healthy spiritual life  which leads to freedom from guilt, healing, and a fresh start. It is often seen as a prerequisite for spiritual progress and salvation. It is also an  act of feeling remorse for all the past wrongdoing. Knowing also that in every mistake that we are going to commit in this present and in the future has a consequences(including the past). So it is called to repent and not to repeat. We have to choose wisely our path by changing our mindsets and behaviour by walking towards a better way of living   fixing our eyes to Jesus.   This involves acknowledging one's actions base not by human judgement but by what Christ Jesus teaching, and committing to a change in attitude and actions in the name of Christ Jesus. A key verse on repentance is 1 John 1...