Skip to main content

DEVOTIONAL: PAGTAMO NG KARUNUNGANG MAKA-DIYOS

Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails. Proverbs 19:21

Sa mga personal nating buhay ang dami nating alam na kung tayo ba ay umasta, parang bang tayo na ang pinakamagaling sa buong mundo. Parang lahat na ng karunungan ay nasa atin na, kaya minsan hindi naa uso sa atin ang makikinig sa ating kapwa kung maglalahad ito ng katotohanan. At sinasabi pa natin palagi, "basta't wala kang inaapakan tao okay na tayo. Ngunit kahit gaano man tayo kakampante sa ating mga sarili at kung gaano pa kataas ang karunungan ng isang ordinaryong tao at kung ito man ay karunungang makamundo ano ba  kasiguruhang mapapala natin dito? 

Makikita natin sa buhay ni Jesuscristo na isang perpekto, kasama Niyang namumuhay ang Kanyang mga disipolo kung ano ang kaibahan nila sa  pagreact sa mga situwasyon dito sa mundo. At higist sa lahat sa mga plano ng Dakilang Diyos Ama. Kaya kung bilib ka lang sa iyong sariling kakayanan at karunungan , kailangan mo itong basahin at nang iyong malalaman ang katotohanan.

Mateo 16:21-23

Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay

21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.”

22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.”

23 Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.

Minsan kahit sa napakatagal na natin na naging isang mananampalataya ni Jesus may mga pagkakataon parin na magkakamali tayo sa ating mga hinihiling o dalangin sa Panginoon. Isipin mo si Pedro na isa sa mapalapit na tagasunod mismo ni Jesus ay napgsabihan sa kanyang mga sinabi na, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.” Ibig sabihin ng Panginoon walang makakapigil sa mga plano ng Diyos, at kung meron mang magtatangkang pumipigil dito ay ang kalaban lamang kaya natawag siyang Satanas.

Dito natin makikita ang kaibahan ng puso at pag-iisip ng tao kompara sa ating makapangyarihang Panginoon (Isaiah 55:8-9).Kung ang pagkakabahala ni Pedro ay para lang kay Jesus,patungkol sa masamang mangyayari sa Kanya, ang plano naman ng Diyos kung bakit pinapahintulutang Niyang mangyari iyon ay para sa kabutihan ng pangkalahatan. 

Ito yung kailangan nating maintindihan, ang pagpahintulot ng Diyos Ama sa pangyayaring pagpako at pagpatay  kay Jesus ay para maisakatuparan ang napakabuti at pangkalahatang plano Niya para sa ating lahat. Ito ay angmailigtas tayo mula sa kaparusahang kamatayan(mga patay sa espiritu at katotohanan dahil sa kasalanan) . Sa katunayan ang akala nila kung mapatay man nila si Jesus ay mapigil na ang pagkalat ng katotohanan. Ngunit mas lalo pa itong nagtagumapay dahil sa ikatlong araw, si Jesus ay muling nabuhay  at sa Kanyang muling pagkabuhay lahat ng mga patay espiritu at katotohanan ay kasama rin nabuhay at nagkaroon ng panibagong pag-asa upang makapamuhay ng matuwid sa harapang ng Banal na Diyos Ama. Sa makatuwid kasama tayo sa Tagumpay ni Jesus.

Isa sa mga simpleng halimbawa sa mundo ay  ang mga katanungan na ating naririnig sa ating paligid na, "Bakit pinapahintulutan ng Diyos na may mga naghihirap at habang yung iba ay nagpakasarap sa buhay mayaman?" 

Kung ikaw ay mayaman, tumulong ka sa mga naghihirap, kung ano ang meron ka ibahagi mo sa iba lalo na sa mga sobrang walang wala. Tandaan, hindi lahat ng pangangailangan ng tao ay pera. Ang iba ay pagmamahal na pakiramdam nila ay napapabayaan sila, sila ay nag-iisa, walang nagpapahalaga at kaya nawawalan sila ng pag-asa. Sino ba ang magpupuno noon sa buhay nila? Diba ang pagmamahal lamang ng ating Diyos Ama na ipinakita at ipinamalas niya sa buhay ni Jesus? 

Sa mga ganitong situwasyon natin magagamit ang mga pagkakataon upang makabawi  sa mga sakripisyo at paghihirap ng Panginoon upang tayo ay muling makabangon.Pagmamahal at malasakit sa kapwa katulad ng pagmamahal at malasakit ng Panginoong Jesus.

Palagi man tayong humihingi ng mga napakaraming bagay para sa ating sariling buhay ngunit nakaligtaan naman nating ipagdasal pati ang mga pangangailangan ng ating kapwa na alam natin ang kanilang mga pinagdadaanan. Minsan mas masaya pa tayo kung ang ating kapwa ay nahihirapan, imbis na tulungang iaangat ay mas gusto pa natin silang sisiraan at pagkakainggitan. Ganyan ang reyalidad ng makamundong ating nakasanayan. Diba nakakalungkot na makita ng ating mahal na Diyos at Panginoon na binigay na nga Niya pati ang kanyang buhay ngunit ang ating ganti ay mas kadilimang gawi parin ang ating pinipili? Kaya mag-ingat tayo palagi sa ating mga hinihiling. Bawat motibo ng ating mga puso at isipan ay pakaingatan kung ito ba ay naayun rin ba sa kalooban ng ating Diyos na napakabuti at makapangyarihan. Kailangan natin ng kaalaman at karunungan mula sa banal na salita ng Diyos sa pangalan ni Jesus. 

Marcos 8:36  Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya?

Ang pagtatamo ng karunungan mula sa Diyos ay lubos na naiiba sa pag-iipon ng makamundong kayamanan dahil nangangailangan ito ng malalim na pagbabago—mula sa pagdepende sa sarili patungo sa pagdepende sa Poong Lumikha.Ito ay isang espirituwal na regalo na nakakamit sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, masikap na paghahanap, at kasama ang matibay na pananampalataya. Habang ang kayamanan sa lupa ay nakukuha sa pamamagitan ng pisikal na lakas, kasanayan, o pagkakataon.

Ito ang dalawang uri ng kayamanan na mayroon tayo dito sa mundo at dapat piliin natin ang pinakamahalaga at paglaguin pa lalo ito:

    Makamundong Kayamanan: Madaling makuha ngunit pansamantala lamang; maaaring masira ng kalawang o manakaw. Kadalasang hinahanap para sa seguridad o katayuan, ngunit hindi kayang bilhin ang buhay na walang hanggan.

    Maka-Diyos na Karunungan: Inilarawan na "higit na mahalaga kaysa sa mga rubi" at "mas mabuti kaysa sa ginto." Ito ay nagbubunga ng "panghabangbuhay na kayamanan, nagdadala ng kapayapaan sa kalooban, walang hanggang kagalakan, at gumagabay sa mga desisyon sa buhay patungo sa kaligtasan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating pananampalataya ni Jesus.

6 P’s sa pagtamo ng Maka-Disyos na karunungan:

    Panalangin na may Pananampalataya: Ang Santiago 1:5 ay nangangako na kung ang sinuman ay nagkukulang ng karunungan, dapat siyang humingi sa Diyos, na "nagbibigay nang sagana sa lahat nang hindi nagsasawa." Nangangailangan ito ng pananampalataya sa halip na pagdududa.

    Pagkakaroon ng Takot sa Panginoon: Sinasabi sa Kawikaan 9:10, "Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan." Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng malalim na paggalang at pagkamangha sa Diyos, na humahantong sa pagsuko ng sariling mga hangarin sa Kanyang kalooban.

    Personal na Saliksikin ang Kasulatan: Ang karunungan ay "nakatagong kayamanan" na dapat "hukayin" sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-aaral, at pagsunod ng Salita ng Diyos, na siyang pangunahing pinagmumulan matuwid na kaalaman at daan.

    Pagpapakumbaba at Pagsunod: Ang karunungan ay nakukuha lamang kapag ang isang tao ay huminto sa pag-asa sa sariling pagkaunawa at nagiging bukas sa mga katuruang puro katotohanan (teachable).

    Pagtanggap ng Maka-Diyos na Payo: Ang pagkakaroon ng samahang may takot sa Diyos ay isa sa mga napakalaking bagay upang lumago ang ating pananampalataya sa Panginnon. Sa pamamagitan ng pagtitipun-tipon sa pag-aaral sa mga salita ng Diyos at pagpapalakasan sa bawat isa kung sino man ang nanghihina at may mga pinagdadaanan. Pagkakaisa at pagtutulungan kasama ng taimtim na dasan at pagbibigay payo na maka-Diyos.

     Pagtalikod sa mga Makamundong Bagay: Mula sa banal na salita ng Diyos, 

Mga Hebreo 12:2, Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. 

At sa Roma 12:2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Sa huli, ang tunay na karunungan ay matatagpuan kay Jesu-Cristo, na sa Kanya "nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman" (Colosas 2:3). Samakatuwid, piliin nating ang karunungang maka-Diyos higit sa lahat. Upang makamtan ay lumapit tayo sa Kanya nang makabawi tayo sa kadakilaang Kanyang ginawa para ating lahat, sa paraang kalugud-lugod at ganap na katanggap-tanggap sa ating mahal na Diyos Ama. Ito ang tunay at lubos na tagumpay ng ating buhay.



MEMORY VERSE: Mga Hebreo 12:2,

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. 


PANALANGIN:

"Mahal naming Diyos, kami po ay lumalapit sa Iyo at humihingi ng Iyong banal na karunungan at gabay. Patawarin mo kami Ama, sa mga bagay na aming nagawa na walang pagsangguni sa Iyo. Ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan, at hinihiling ko ang kaloob ng pag-unawa upang ang mga maling landas ay maitama. 

Pakibuksan Mo ang aming mga isipan sa bagong kaalaman at tulungan Mo kaming maunawaan ang iyong mga katuruan mula sa Iyong banal na salita nang may mas mataas na layunin na naayon sa iyong pananaw. Bigyan Mo kami ng kaliwanagan upang makilala ang Iyong tinig mula sa ingay ng mundo, at bigyan ng lakas ng loob na sundin iyong mga plano at kalooban para sa Iyong kaluwalhatian.

Hayaan Mong punuin ng Iyong katotohanan ang aming mga puso at isipan upang kami ay may kakayanang kumilos nang kalugud-lugod at katanggap-tanggap sa iyong harapan, Ito po Ama ang aking dalangin, sa pangalan ni Jesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen."





Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: IMPORTANCE OF REPENTANCE

Repentance is important because it allows for forgiveness, spiritual growth, and a renewed relationship with our Heavenly Father. It is an act of turning away from sin and walk toward a path of a healthy spiritual life  which leads to freedom from guilt, healing, and a fresh start. It is often seen as a prerequisite for spiritual progress and salvation. It is also an  act of feeling remorse for all the past wrongdoing. Knowing also that in every mistake that we are going to commit in this present and in the future has a consequences(including the past). So it is called to repent and not to repeat. We have to choose wisely our path by changing our mindsets and behaviour by walking towards a better way of living   fixing our eyes to Jesus.   This involves acknowledging one's actions base not by human judgement but by what Christ Jesus teaching, and committing to a change in attitude and actions in the name of Christ Jesus. A key verse on repentance is 1 John 1...