Skip to main content

DEVOTIONAL: KAILAN KA HULING NAGPAPASALAMAT?

Ano ang rason kung bakit nagpapasalamat ka sa buhay na meron ka?

Dahil ba ay punong-puno ka ng mga pagpapala at walang inaalalang problema?

Kadalasan kasi kapag may mga problemang dumarating ay nahihirapan tayong magpapasalamat sa Diyos. Ang bilis nating mabubulagan at nawawala sa focus, mas nangingibaw ang pag-aalala base sa kung ano ang ating naramdaman at nakikita. Imbis na mananalangin ng taimtim ay kung anu-ano pa ang pinagagawa.

Ang resulta, maiistress ka ng sobra at  di na makakatulog ng maayos. Diba wala namang maitulong ito sa paglutas ng mga problema kundi nadadagdagan pa. Madi depress ka, magkaka anxiety at ang malala magkakasakit kana. 

Ito kasi ang makamundong reaksyon na nakasanayan na natin at mahirap buguhin hanggat ang mga salita ng Panginoon ay hindi nananahan sa atin .

Kaya isa ito sa mga katuruan sa Bibliya, mula sa mga salita ng Diyos dapat magpapasalamat pa nga tayo sa lahat ng pagkakataon sa buhay. Well, alam natin na hindi lahat ng pagkakataon ay masaya at walang problema. Paano kung darating ang mga pagkakataon na hindi masaya, paano ka magpapasalamat sa Kanya?

1 Thessalonians 5:18 Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus. 

Bilang isang tao, ang nakagawian na  natin dito sa mundo ay magpapasalamat sa Diyos sa tuwing may matatanggap tayong mga literal na mga biyaya. At pagdating naman sa mga pagsubok at problema ay nawawalan ng gana at nakakalimutan pa ang mga pagpapala na tinanggap na. Kadalasan reklamo at paninisi sa sarili at minsan ang kapwa pa ang madamay at mapapasama . Ang mas malala pa pati ang napakabuti at mapagmahal na Dakilang Diyos Ama ay idadamay pa. Kailangan na nating gumising sa mga maling nakasanayan. At dapat nating maunawaan na ito talaga ang mga riyalidad ng buhay sa mundo. Regardless sa anumang mga situwasyon na meron tayo deserve ng Diyos Ama ang pasasalamatan Siya ng buong puso.

Una,dapat nating malaman na hindi lahat ng mga problema na dumating sa ating buhay ay pagsubok na galing sa Diyos Ama. Kadalasan,ito ay bunga ng mga katigasan ng mga ulo natin mismo.

Ikalawa, kung may pagsubok man na dumating sa ating buhay ay hindi ibig sabihin na hindi na tayo mahal ng ating Diyos Ama. Ano ba ang kakayanan ng isang ordinaryong tao dito sa mundo? Sino ba ang nariyan upang tulungan tayo? Ang pagsubok ay personal na pagsusulit sa atin kung hanggang saan at gaano tayo katapat sa ating panampalataya ky Cristo. Hindi tayo sinusubok upang matalo at mapahiya bagkos upang mas lalong palakasin tayo sa ngalan at kapangyarihan ng Panginoong Jesucristo laban sa kadiliman ng mundo.

Ganito kasi ang kadalasang tanong ng mga taong nanlalamig at puno ng pagdududa.

"Kung talagang may Diyos bakit niya pinapahintulutan ang tao na magkakaroon ng mga problema?"

Mga kapatid, kung isa kaman sa mga nagtatanong sa katanungan ito sa Diyos, ang kanyang mga kasagutan ay nariyan lamang libreng buksan at ng iyong malalaman.

Sa katunayan kung tayong mga tao ay masipag magsisiyasat ng personal tungkol sa katotohanan at maingat sa pakakikinig at sa pagsunod sa mga salita ng Diyos Ama,ng may pusong mapagpakumbaba ay talaga namang ating makikita at mararamdaman  mo na ang pagmamahal ng ating Diyos Ama ay sobra-sobra.

Na kahit dadanas kaman ng pagsubok o problema ay mas piliin mo parin na magpapasalamat kesa magreklamo sa Kanya. 

At ganito ang ugaling tunay na gustong makikita ng ating Diyos Ama na mabuo sa bawat isa, bilang kanyang mga mananampalataya. Sa lahat ng pagkakataon magpapasalamat tayo sa Kanya.

Nawa ay buksan nating ang ating mga puso at isipan upang makapanahan ang Panginoong makapangyarihan kasama ang Kanyang mga salita at tayo ay lubos na maliliwanagan.


PRAYER:

Mahal naming Panginoon,

Lumalapit kami sa Iyo upang isuko ang anumang mga takot, pag-aalala, at mga pagdududa na nasa aming mga puso at isipan na kasalukuyan ay nahihirapang sa iyong mga salita  ay lubos na magtiwala . Alam Mo ang aming bawat kaisipan at bigat ng aming mga puso na nararamdaman.

Panginoon, patawarin mo po kami sa kakulangan ng aming pananampalataya.Buksan Mo ang aming mga mata, maging ang mga matitigas naming puso palalambutin  at ang aming isipan ay biyayan ng tamang pag-unawa. Sa gitna ng aming mga tanong at kalituhan, nawa’y maramdaman namin ang Iyong presensya na hindi mo kami pinababayaan. Palakasin Mo ang aming pananampalataya, at yakapin mo kami ng mahigpit lalo na sa mga sandaling parang nawawala ang lahat ng aming katiyakan.

Bigyan Mo kami ng kapayapaan na higit sa pang-unawa. Hayaan Mong maging liwanag ang Iyong pagmamahal sa gitna ng aming kadiliman, at pagtibayin Mo ang aming loob upang muling makakita ang pag-asa at katotohanan na iyong ipinangako sa bawat isa.

Sa Iyong awa ito po ang aming hiling, sa Iyong banal na pangalan na si Hesus, AMEN!


Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: PAGTAMO NG KARUNUNGANG MAKA-DIYOS

Many are the plans in a person’s heart,  but it is the Lord’s purpose that prevails.  Proverbs 19:21 Sa mga personal nating buhay ang dami nating alam na kung tayo ba ay umasta, parang bang tayo na ang pinakamagaling sa buong mundo. Parang lahat na ng karunungan ay nasa atin na, kaya minsan hindi naa uso sa atin ang makikinig sa ating kapwa kung maglalahad ito ng katotohanan. At sinasabi pa natin palagi, "basta't wala kang inaapakan tao okay na tayo. Ngunit kahit gaano man tayo kakampante sa ating mga sarili at kung gaano pa kataas ang karunungan ng isang ordinaryong tao at kung ito man ay karunungang makamundo ano ba  kasiguruhang mapapala natin dito?  Makikita natin sa buhay ni Jesuscristo na isang perpekto, kasama Niyang namumuhay ang Kanyang mga disipolo kung ano ang kaibahan nila sa  pagreact sa mga situwasyon dito sa mundo. At higist sa lahat sa mga plano ng Dakilang Diyos Ama. Kaya kung bilib ka lang sa iyong sariling kakayanan at karunungan , kailangan m...

DEVOTIONAL: IMPORTANCE OF REPENTANCE

Repentance is important because it allows for forgiveness, spiritual growth, and a renewed relationship with our Heavenly Father. It is an act of turning away from sin and walk toward a path of a healthy spiritual life  which leads to freedom from guilt, healing, and a fresh start. It is often seen as a prerequisite for spiritual progress and salvation. It is also an  act of feeling remorse for all the past wrongdoing. Knowing also that in every mistake that we are going to commit in this present and in the future has a consequences(including the past). So it is called to repent and not to repeat. We have to choose wisely our path by changing our mindsets and behaviour by walking towards a better way of living   fixing our eyes to Jesus.   This involves acknowledging one's actions base not by human judgement but by what Christ Jesus teaching, and committing to a change in attitude and actions in the name of Christ Jesus. A key verse on repentance is 1 John 1...