Skip to main content

DEVOTIONAL: GAANO BA NATIN KAKILALA ANG ATING MAHAL NA PANGINOON?

Saan Kaya Tayo Ngayon Nanahan At Sino Ang Ating Kasakasama? Juan 10

Juan 10:1-5 Magandang Balita Biblia

1“Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan ay magnanakaw at tulisan. 2 Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. 3 Pinapapasok siya ng bantay, at pinapakinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. 4 Kapag nailabas na, siya'y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga ito sapagkat kilala nila ang kanyang tinig. 5 Hindi sila susunod sa iba, kundi tatakbong palayo, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba.”

KULUNGAN NG MGA TUPA- presensiya at kalooban ng ating Dakilang Diyos AMA.

BANTAY- Panginoong Hesus

PINTUAN - (Juan 10:7 & 9) 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.

PASTOL- (Juan 10:11,14-15) “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.

MGA TUPA- Sinabi nga mismo ng Panginoong Hesus na Siya ang pintuan at Siya rin ang mabuting pastol dahil dito maiintindihan rin natin kung sino ang Kanyang mga tupa?

Kanino ba inalay ng Panginoong Hesus ang Kanyang buhay? Di po bas a ating lahat?

Dahil dito, maliwanag na tayo ang tinatawag ng Panginoon Hesus na Kanyang mga tupa. At napakahalagang maiintindihan rin natin at masisiguro na kung tayo ba talaga ay napabilang na sa mga tupang nakapasok na sa pintuan ng mabuting pastol. Mga kaugaliang dapat alamin natin mismo sa ating mga sarili kung tayo ba ay nakikinig sa Kanyang? Naririnig ba natin ang tinig Niya? Kilala ba natin Siya ng personal? At higit sa lahat sinusunod ba natin Siya?

Dahil ang sa bi ni Hesus sa Juan 10:27  Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.

Bakit kailangan nating kilalanin at sundin ang mabauting pastol at kanyang pintuan lamang tayo dapat papasok?

Tandaan natin ito, bilang mga tupa ng Panginoon dapat tayong mag-iingat, dahil kung saan ang kulungan ng mga tupa andoon din ang mga:

1. Magnanakaw at tulisan- Sila ang mga magnanakaw,maninira at pumapatay. Hindi lamang ito literal na katangian nila, bagkus maging sa epiritwal na buhay natin ay may kapangyarihan silang sirain ang mga kaluluwa natin kung hindi tayo mag-iingat at mananatili kasama ang nag-iisang mabuting pastol.

2. Meron din upahang pastol na walang malasakit tumatakas kapag may kapahamakan- Sila yung mga taong mapagkunwaring pastol ngunit para lamang sa kanilang mga personal na interest ang kanilang ginagawa at hindi para sa Diyos.

3. Mga asong gubat- Mga kampon ng mga kasamaan na dapat palagi tayong nakatago sa tahanan ng mga tupa kasama ang mabuting pastol.

 

Nawa ay huwag nating pagtakpan ang ating mga tainga, huwag magbubulagbulagan at huwag higit sa lahat huwag patigasin ang ating mga puso katulad sa mga nangyayari noon sa mga judio. Imbis na makinig at maniwala kay Hesus mas pinili isarado ang kanilang isipan at patuloy na itinakwil ang katotohanan.

Dapat nating maintindihan ang kahalagahan ang PANGINOONG HESUS sa buhay nating lahat. Sa Kanya lamang nakasalalaya ng ating lubos na KALIGTASAN.

Sabi ng PANGINOONG HESUS sa Juan 10:10

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.

 

Sama-sama tayong manalangin:

Mahal na Panginoong Hesus, 

Lumalapit kami sa Iyo ngayon nang may matinding pananabik sa aking kaluluwa. Hindi ko lamang nais na makilala Ka sa pamamagitan ng mga kuwento o kasaysayan; nais rin naming makilala ka nang personal, malalim, at may malapit na kaugnayan. Pagkalooban Mo kami ng espiritu ng karunungan at paghahayag upang mas maunawaan namin ang Iyong puso. Buksan Mo ang mga mata ng aming puso upang makita ang Iyong kaluwalhatian sa mga pang-araw-araw na bagay. Sa gitna ng maingay at madilim na mundo, tulungan Mo kaming patahimikin ang aming isipan ng may kaliwanagan at kakayanang kilalanin ang Iyong mahinahong tinig. Pag-alabin Mo sa aming lahat ang bagong sigla at pagnanais na maglaan ng panahon sa Iyong Salita at sa panalangin. Tulungan Mo rin kaming talikuran ang  mga makasariling hangarin upang mas  masunod namin ang iyong napakagandang kalooban. Ilapit Mo ako sa kami sa Iyong piling, ituro Mo sa amin ang Iyong mga pamamaraan, at hayaang lalong tumibay ang aming pagmamahal at pananampalataya sa Iyo sa bawat paglipas ng araw.

Sa Iyong banal na Pangalan na si Hesus kami nanalangin. Amen! 




 

Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: PAGTAMO NG KARUNUNGANG MAKA-DIYOS

Many are the plans in a person’s heart,  but it is the Lord’s purpose that prevails.  Proverbs 19:21 Sa mga personal nating buhay ang dami nating alam na kung tayo ba ay umasta, parang bang tayo na ang pinakamagaling sa buong mundo. Parang lahat na ng karunungan ay nasa atin na, kaya minsan hindi naa uso sa atin ang makikinig sa ating kapwa kung maglalahad ito ng katotohanan. At sinasabi pa natin palagi, "basta't wala kang inaapakan tao okay na tayo. Ngunit kahit gaano man tayo kakampante sa ating mga sarili at kung gaano pa kataas ang karunungan ng isang ordinaryong tao at kung ito man ay karunungang makamundo ano ba  kasiguruhang mapapala natin dito?  Makikita natin sa buhay ni Jesuscristo na isang perpekto, kasama Niyang namumuhay ang Kanyang mga disipolo kung ano ang kaibahan nila sa  pagreact sa mga situwasyon dito sa mundo. At higist sa lahat sa mga plano ng Dakilang Diyos Ama. Kaya kung bilib ka lang sa iyong sariling kakayanan at karunungan , kailangan m...

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: AS A SINNER WE ALL NEED A MIGHTY HEALER

Jesus answered them, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. I have not come to call the righteous, but sinners to repentance.” Luke 5:31-32 NIV   As a human we are created in the image and likeness of God. Unfortunately, due to the impact of sin we became an enemy of God. As time goes by,mankind became disobedient and rebellious to the point of spiritual death. As the scriptures said i n Romans 3:23 says, “for all have sinned and fall short of the glory of God, and therefore everyone needs Jesus Christ. Because of this, it requires repentance, a heart and mind that is willing to turn their back away from sin, surrendering their whole being to God and ready to follow Jesus. Whoever accepts this process by heart through faith, such person will be healed spiritually and will be able to bear fruits that are pleasing and acceptable to our God. Otherwise, at end times we will face complete destruction(death in hell) if we remain unrepentant (Matthew 3:8-10).   In ...